200 runner lumahok sa PH Fleet Fun Triathlon

200 runner lumahok sa PH Fleet Fun Triathlon

December 1, 2022 @ 5:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines  – May kabuuang 200 runners ang nakilahok sa Philippine Fleet’s “Fun Triathlon” na ginanap noong Miyerkules para makalikom ng pondo para sa mga tropang namatay sa tungkulin.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Fleet na si Lt. Giovanni Badidles, ang kaganapan ay ginanap sa pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Triathlon Team, Makati Medical Center Foundation, Philippine Coast Guard at Bureau of Jail Management and Penology.

Naroon din ang mga kadete mula sa Philippine Military Academy, Philippine Merchant Marine Academy, Maritime Academy of Asia and the Pacific at iba’t ibang Reserve Officers Training Corps (ROTC) units.

Idinagdag niya na ang Beginner’s Triathlon ay sumaklaw sa 100-meter swim, 5-kilometer run habang ang AFP Invitational Supersprint Triathlon Category ay sumasaklaw sa sprint distance na 400-meter swim, 10-kilometer bike at 2.5-kilometer run.

Idinagdag niya na ang sporting event ay nagsilbing kauna-unahang AFP-wide invitational triathlon at isang lugar para isulong ang pakikipagkaibigan sa mga serbisyo ng militar at mga reservist personnel.JC