200 sugarol timbog sa OTBT anti-illegal gambling ops sa Isabela

200 sugarol timbog sa OTBT anti-illegal gambling ops sa Isabela

September 24, 2022 @ 3:15 PM 2 months ago


ILAGAN CITY, ISABELA- Halos 200 sugarol ang nahuli ng kapulisan sa ikinasang One Time Big Time o OTBT Anti-Illegal Gambling Operations sa magkakahiwalay na bayan at Siyudad dito sa nasabing probinsya.

Batay sa ipinarating na datos kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay mahigpit ang kanyang direktiba sa bawat himpilan ng pulisya sa probinsya na ipinatupad mula Setyembre 12 hanggang 18, 2022, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Ilan sa mga nahuli ay naaktuhang naglalaro ng tong-its, pepito, tupada at bingo.

Umaabot naman sa P27,764 ang kabuuang halaga ng nakumpiskang bet money o “taya” ng mga nahuli sa pagsusugal.

Ang mga nahuling suspek ay sinampahan na ng kasong Presidential Decree o PD 1602 o Illegal Gambling Act. Rey Velasco