200 wanted arestado sa SACLEO sa Region 2

200 wanted arestado sa SACLEO sa Region 2

September 4, 2022 @ 3:15 PM 4 weeks ago


CAGAYAN VALLEY-Umabot sa 200 katao ang naaresto ng kapulisan sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) dito sa region 2.

Kabilang sa mga nahuli ang 185 Wanted Person, tatlong Top Most Wanted Person at isang indibidwal na naaresto dahil sa iligal na droga.

May labing-isa (11) iba’t ibang uri ng baril ang nakumpiska at narekober ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon kontra Boga.

Sa kampanya naman kontra illegal logging, may 1,000 boardfeet naman ng nalagareng kahoy na may halagang 70,000 pesos ang narekober.

May apat na suporter ng Communist Terrorist Group o CTG ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pinaigting na kampanya laban sa terorismo.

Nagpaabot ng papuri sina PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO at PCol. Ranser Evasco, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO

sa kanilang tropa na nasa likod ng mga matagumpay na operasyon kontra kriminalidad, terorismo at sa mga wanted sa batas. Rey Velasco