2,000 motorsiklong taksi ng kamote riders dinurog

2,000 motorsiklong taksi ng kamote riders dinurog

June 4, 2022 @ 2:00 PM 3 weeks ago


NIGERIA – Pinagdudurog ng pamahalaan ng bansang ito ang nasa 2,000 motorsiklong taksi na gamit ng mga abusadong tsuper o kamote rider.

Sakop ng pagbabawal ang anim na lokal na pamahalaan na Eti-Osa, Ikeja, Surulere, Lagos Island, Lagos Mainland at Apapa.

Naging tugon ito sa pagpatay ng tsuper ng nasabing sasakyan sa isang pasaherong engineer Sunday David makaraang makipagtalo sa napakamahal na pamasahe rito.

Ayon kay Governor Babajide Sanwo-Olu, bukod sa pagpatay at paggamit sa kidnapping ng mga motorsiklo, sangkot umano ang halos lahat ng tsuper dito sa overspeeding, paglabag sa mga batas-trapiko at pagiging kolorum.

Dahil sa pagiging abusado ng mga ito, 20 porsyento umano na paglabag sa batas-trapiko ang kinasasangkutan

ng mga taksi driver na ito na tinatawag na Okada.

Ayon naman sa mga nagmamalasakit sa mga tsuper, dapat umanong payagan ang motorcycle taxi dahil ito hanapbuhay ng mahihirap ito at ginagamit ang mga motorsiklo dahil na rin umano sa kakapusan ng pampublikong sasakyan gaya ng mga bus.

Makailang beses na ring nagpatupad ng motorcycle taxi ban dahil sa nabanggit nang mga kadahilanan subalit maiba na umano ngayon ang sitwasyon dahil magbabantay na nang husto ang mga pulis. RNT