2,000 pro-Duterte nagtipon-tipon para sa programang Tapang at Malasakit

2,000 pro-Duterte nagtipon-tipon para sa programang Tapang at Malasakit

July 23, 2018 @ 2:20 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Aabot sa 2,000 pro Duterte group ang nagtipon tipon sa Trinity University of Asia sa Quezon City para ilunsad ang programang Tapang at Malasakit Alliance isang samahan mula sa hanay ng kababaihan, LGBT, Toda, pamilya ng OFW, kabataan na pinamumunuan ni Davao City Mayor Sarah Duterte kaninang umaga Hulyo 23, 2019 (Lunes).

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Duterte na siya ay natutuwa na kasanib na niya ngayon ang QC sa adhikain na mabigyan ng tulong ang mga kapuspalad at nangangailangan natin kababayan.

“Ako ay nagpapasalamat kay Vice Mayor Belmonte dahil kaalyansa na ngayon ng Tapang at Malasakit ang Quezon City sa adhikain na mapagkalooban ng tulong sa ating mamamayan. Ang mungkahi ko lamang ay huwag na tayong maghintay pa na kumilos ang barangay at mga pulis, kusang loob na po tayong magkaloob ng tulong sa ating kapwa, magkaisa po tayo sa pagbabago, suportahan po natin ang ating Pangulong Rodrigo Duterte” pahayag ni Mayor Duterte.

Ayon kay Mayor Duterte kailangan natin mag-volunteer, hindi na para kay Pangulong Duterte kundi para sa mga barangay at sa ating kapwa kahit maliit na bagay na makisama tayo at sumunod tayo sa batas na di na tayo kailangan eremind ng mga kapitan at pulis sa dapat nating gawin upang makatulong.
Ibinigay na halimbawa ng alkalde ng Davao na isang bagay na makakatulong tayo sa ating barangay at sa pamahalaan ang matututo tayong mag-segregate ng basura para lahat ay magandang contribution by starting small in our communites.

Kaugnay nito sinabi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na natutuwa siya at kaisa na ngayon na ang Tapang at Malasakit at ang QC.

“Nakiisa po tayo sa Tapang at Malasakit dahil naniniwala tayo sa mga hangarin at adhikain nito tungkol sa pagbabago. Kasama ko po ang mga lider ng ibat ibang organisdong sektor dahil mahalaga sa amin ang inyong presensya, kabilang ang QC sa adhikain ng Tapang at Malasakit na maglaan ng pagtulong sa kapwa kagandahang loob” ani pa ni Belmonte.

Matapos ang pagtitipon sa Trinity University Asia sa E. Rodriguez,QC nagtungo ang grupo ng Pro Duterte sa Commonwealth Avenue para sa sumuporta sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Santi Celario)