2000-year-old Catanauan Dagger, ipinakita ng National Museum of the Philippines

2000-year-old Catanauan Dagger, ipinakita ng National Museum of the Philippines

May 18, 2022 @ 8:02 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinakita ng National Museum of the Philippines ang Catanauan Dagger sa National Museum of Natural History nito gayong araw, kung saan ginugunita ang International Museum Day.

Inilabas nitong Miyekules sa pamamagitan ng Facebook page ng National Museum ang mga detalye tungkol sa naturang 2,000-year-old artifact.

“This iron dagger is one of the most remarkable funerary artefacts recovered in 2017 from a jar burial site located on a beach facing Marinduque across the waters of the Mompog pass,” saad nito.

Makikita sa dagger ang isang leaf-shaped double-edged metal blade at finger-fitting handle nag awa sa layers ng mga buto at organic material na tila nagkokorteng bangka.

May detalyado ring ukit na na kawangis ng mga interwoven pattern na may malilit na butas ang asymmetrical handle nito kung saan nakalagay ang glass beads.

Oktubre noong nakaraang taon nang muling buksan sa publiko ang National Museum of the Philippines. RNT/ JCM