200K OFW nakauwi na ng probinsya – DOLE

200K OFW nakauwi na ng probinsya – DOLE

September 24, 2020 @ 7:22 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 200,000 returning overseas Filipino workers (OFWs) na ang nakabalik sa kani-kanilang mga probinsya, batay kay Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa report ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), inilatag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na 218,205 OFWs na ang natulungan buhat nitong Mayo.

Ang pinakabagong batch ay binubuo ng 1,440 OFWs na nagnegatibo sa COVID-19 bago tuluyang pauwiin sa probinsya.

Inihanda rin ng gobyerno ang akomodasyon, pagkain. transportasyon mula sa pagdating sa bansa hanggang makauwi na ng probinsya. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...