200K residente benepisyaryo ng Pamaskong Handog sa Paranaque

200K residente benepisyaryo ng Pamaskong Handog sa Paranaque

December 2, 2022 @ 7:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ng lokal ng pamahalaan ng Parañaque ang pamamahagi ng Christmas food packs sa mahigit 200,000 na mahihirap na residente ng lungsod bilang bahagi ng ataunang Pamaskong Handog gift-giving program nitong Disyembre 1.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez na ang Pamaskong Handog ngayong taon ay sinimulan sa Barangay Sto. Nino habang ang mga barangay ng Don Galo at La Huerta na napapabilang sa Unang Distrito ay agaganapin naman ngayong Disyembre 2.

“We have prepared a total of 207,00 food packs consisting of Noche Buena goodies that will benefit our poor constituents all over the city,” ani Olivarez.

Ayon kay Olivarez, umaasa siyang ang pamamahagi ng Christmas food packs ay makapagbibigay ng kasiyahan at magiging mas may kahulugan ang selebrasyon ng Pasko ngayong taon.

Bago maganap ang aktibidad ng gift-giving ay nauna nang namahagi ng food tickets ang lokal na pamahalaan ng mga target na benepisyaryo sa Barangay Sto. Nino nitong nakaraang Miyerkules Nobyembre 30.

Dagdag pa ni Olivarez pareho rin ang sistema ang ipinatutupad sa buong lungsod para sa mas maayos at episyenteng distribusyon.

Ang implementasyon ng naturang programa ay pinangasiwaan ng Special Services Office sa ilalim ni Majel Co at ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na pinamumunuan naman ni Mark Besa sa koordinasyon ng neighborhood associations sa lungsod at ng ilang opisyales ng barangay. James I. Catapusan