LRT2 west extension project, kulang sa budget – exec

August 10, 2022 @4:39 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Sinabi ni Light Rail Administrator Transit Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera ngayong Miyerkules na wala pang sapat na pondo para sa Light Rail Transit 2 (LRT2) West Extension project.
Sa public briefing, sinabi ni Cabrera na Ang engineering plans at iba pang preparasyon para sa proyekto ay natapos na.
Ayon pa kay Cabrera, kinukulang ang pondo ngayon dahil ito ay aabutin ng mga P9 bilyon at ang naiturn-over pa lamang ng Department of Transportation ay nasa P2 bilyon.
Sinabi ng administrator na nakikipagtulongan na sila para makakuha pa ng pondo sa Department of Budget and Management (DBM).
Dagdag pa niya na target nilang makatanggap ng multi-year contracting authority ngayong taon upang makapagsimula ng bidding process para sa proyekto.
Sa ilalim ng west extension project, tatlo pang istasyon sa Tutuban, Divisoria, at Pier 4 ang itatayo.
Samantala, sinabi ni Cabrera na iniutos ni Pangulong Ferdinand āBongbongā Marcos Jr. ang LRTA sa pamamagitan ng DOTR upang matiyak ang kasiyahan ng customer sa mga serbisyo ng tren nito.
Aniya susuriin niya ang mga elevator, escalator, comfort room, tren, at ticketing system sa mga pasilidad ng LRT2.
Bilang bagong install na LRTA administrator, sinabi ni Cabrera na tututukan din niya ang pagtitiyak ng maaasahan, ligtas, at accessible na serbisyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden
‘Surprise drug tests’ ikakasa ni Abalos sa BJMP

August 10, 2022 @4:26 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Magsasagawa ng surprise drug tests si Department of the Interior and Local GovernmentĀ Ā (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga kulungan na pinamamahalaanan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa isang kalatas, sinabi ng DILG na nagbabala si AbalosĀ Ā bunsod na rin ng mga ulat na may big-time drug lords ang di umano’y nago-operate sa loob ng mga bilangguan.
Araw ng Martes, sa isinagawang command visit saĀ Ā BJMP National Headquarters, sinabi niĀ Ā Abalos na: āI will personally go to our jails and I will be conducting surprise drug testing of BJMP personnel and PDLs in those jails.ā
āMagpapa-urinalysis ako saĀ jails. So Iām warning each and every BJMP warden and personnel, kapag may nagpositive, then it means na may nakapasok na droga sa mga jail facilities natin,ā dagdag na pahayag nito.
Ani Abalos, nagagawa ng mga drug lords naĀ Ā mag-operateĀ Ā sa loob ng mga bilangguan dahil mayroong komunikasyon at contacts ang mga ito sa labas.
Inirekumenda naman ni Abalos ang paggamitĀ Ā ngĀ Ā signal jammers upang maputol angĀ Ā komunikasyon ng mga ito.
Ā āWe need to cut their communication. They use phones to conduct their drug trade. So we need signal jammers to stop their communication outside,ā anito.
Samantala, gusto rin ni Abalos na magsagawa ng testing para saĀ Ā posibleng communicable diseases bago i-admitĀ Ā ang mga tao sa bilangguan.
Target ni Abalos ang medical screening atĀ Ā physical examsĀ Ā bago pa ang admission dahil na rin sa posibleng pagkalat ng sakit sa congested cells.
āKung pwede tayong mag-conduct ng test para sa [tuberculosis], test para sa HIV at hepatitis para sa [persons deprived of liberty], mas mainam kapag magawa natin ito,ā ayon kay Abalos sa isinagawangĀ Ā pagbisita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) National Headquarters, araw ng Martes.
Ā āAfter all, at risk ang greater population sa loob ng mga jails kung may infected na individual,ā dagdag na pahayag nito.
Ani Abalos, ang paglaganap ngĀ Ā impeksyon ay mabilis sa mga “congested jail facilities.”
Ipinanukala rin nito ang paglikha ng memorandum circular kaugnay sa “prevention and response” ng BJMPĀ Ā na may kinalaman sa monkeypox.
“As of June 30, 2022, the DILG said that the BJMP has a total of 131,193 PDLs in 477 jails nationwide, which translates to a 387% congestion rate with 337 jails congested,” ayon sa ulat.
Ani Abalos,Ā Ā ang BJMP ay dapat na magpalabas ng āout of the boxā solutions para tugunan angĀ Ā jail congestion.Ā Kris Jose
Nakaraang hatol ng Sandigan ini-adopt ni Marcos bilang ebidensya sa ill-gotten wealth case

August 10, 2022 @4:13 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Ini-adopt ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pitong Sandiganbayan decisions na bumabasura sa P302 bilyong halaga ng ill-gotten at forfeiture cases laban sa kanya at kanyang pamilya bilang ebidensya sa ill-gotten wealth case sa ilalim ng Civil Case 0014.
Sa proceedings nitong Miyerkules, pormal na ikinasa ng abogado ni Marcos na si Atty. Manuel Plaza III ang court pleading na i-adopt ang mga sumusunod na desisyon bilang bahagi ng kanilang depensa:
-
āSandiganbayan Resolution dated December 16, 2019 for Civil Case 0002 junking the P200 billion forfeiture case vs. the President’s late father, Ferdinand Marcos Sr., and siblings Imee and Irene;
-
Sandiganbayan Resolution dated October 14, 2019 for Civil Case 0007 dismissing a P267 million ill-gotten case against Marcos Sr. and his wife Imelda and their alleged cronies, namely President Fe Roa Gimenez and her husband, Ignacio Gimenez; Vilma Bautista and her husband, Gregorio, among others;
-
Sandiganbayan Resolution dated January 23, 2020 for Civil Case 0007 upholding the October 14, 2019 dismissal of the ill-gotten wealth case;
-
Sandiganbayan Resolution dated September 25, 2019 on Civil Case 0008 dismissing the P1.052 billion ill-gotten wealth case against Bienvenido Tantoco Sr., the Marcos couple, among others, in connection with the Tantoco clan’s 11 real estate properties located in the Philippines, Hawaii and Rome; shares of stocks in 19 companies; cash on hand and in bank; pieces of jewelry; notes, loans and mortgages receivable; motor vehicles and three Cessna aircraft;
-
Sandiganbayan Resolution dated November 20, 2019 denying the Philippine government’s appeal on the dismissal of the P1.052 billion ill-gotten wealth case under Civil Case 0008;
-
Sandiganbayan Resolution dated August 5, 2019 for Civil Case 0034 dismissing the P102-billion forfeiture case against Marcos Sr. and Imelda, as well as 11 of their alleged cronies; at
-
Sandiganbayan Resolution February 13, 2020 on Civil Case 0034 denying the Philippine government’s appeal on the August 2019 dismissal of P102 billion ill-gotten wealth case against Marcos Sr. and Imelda, as well as their 11 other alleged cronies.ā
Inaakusahan ng Civil Case 0014 ang mag-asawang sina Rebecco at Erlinda Panlilio ā umanoāy business associates ng mga magulang ni Marcos Jr. ā ng pagsisilbing ādummies upang makamkam ang pagmamay-ari sa ilang kompanya sa pagkuha ng financial assistance mula sa state institutions sa liberal terms “for their financial and pecuniary interests.”
Kabilang sa mga kompanyang ito ang Ternate Development Corp., Monte Sol Development Corporation, Olas del Mar Development Corporation, Fantasia Filipina Resort, Inc., Sulo Dobbs, Inc., Philippine Village, Inc., Silahis International Hotel, Inc., at Hotel Properties, Inc.
Inaakusahan din ng Civil Case 0014 ang mag-asawang Panlilio ā maging si Modesto Enriquez, Trinidad Diaz-Enriquez, Leandro Enriquez, Guillermo Gastrock, Ernesto Abalos at Gregorio Castillo ā ng pananamantala ng pagiging malapit sa mag-asawang Marcos upang isakatuparan ang mga balak “in order to enrich themselves at the expense of the Philippine government.ā
Hindi naman inalmahan ng government prosecutors, sa pangunguna ni Senior State Solicitor Romeo Galzote ng Office of the Solicitor General, ang aksyon ni Marcos Jr.’na i-adopt ang nabanggit na Sandiganbayan decisions bilang ebidensya sa proceedings.
Sinabi ni Galzote na āthe prosecution will rest its case,ā subalit tinanong ni Sandiganbayan Second Division chairperson at Associate Justice Oscar Herrera Jr., “What about [the evidence] for Imelda, Imee, Irene?”
Inilahad ni Galzote at ng iba pang state prosecutors naĀ maghahain sila ng proper motion na humihiling sa korte na ideklara na ang ibang miyembro ng pamilya Marcos at Don Ferry ā isa pang defendant na hindi pa nagsusumite ng ebidensya ā ay nag-waive ng kanilang karapatan na maghain ng ebidensya kapag hindi sila nakapagsumite nito sa Setyembre 1, 22, at Oktubre 6 at 7.
Nang sabihin naman ni Justice Herrera na, “It should be only two days,” napagkasunduan ng government prosecutors na sa halip ay itakda ito sa Setyembre 1 at 22. RNT/SA
IRR ng Vape Law pinaplantsa na ng DTI

August 10, 2022 @4:00 PM
Views:
19
MANILA, Philippines- Pinoproseso na ng Department of Trade and Industry ang implementing rules and regulations (IRR) ng Vape Bill, na kumokontrol sa produksyon at pagbebenta ng vapeĀ at tobacco products.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo nitong Miyerkules na sisimulan na ng DTI wang konsultasyon sa Food and Drug Administration (FDA) sa mga susunod na araw.
āāPag ka naayos sa dalawang ahensya, ilalabas for public consultation⦠Nagmamadali rin po tayo para siguradong ma-implement natin nang maayos ang Vape Law,ā aniya sa public briefing.
Kinumpira ng Malakanyang nitong nakaraang buwan na nag-lapse into law ang kontrobersyal na panukala, na naglilipat ng regulatory powers ng mga produkto mula sa FDA sa DTI.
Nanawagan ang ilang stakeholders kabilang na ang Departments of Health at Education, medical groups, at mga mambabatas kay PangulongBongbong Marcos na i-veto ang panukala.
Nauna nang ihayag ni Senator Pia Cayetano ang pagkadismaya sa paglusot nito sa batas,at iginiit na sapat na ang Sin Tax Law upang makontrol ang paggamit ng vape.
Subalit, sinabi ni Costelo na susundin lamang ng DTI ang nakasaad sa panukala, at anumang health concerns sa ilalim ng vape products ay FDA na ang bahala.
āKung walang health claim, magiging automatic na sa DTI and weāre ready. Kung gusto po ng batas o binibigay sa atin āyung responsibilidad, hindi natin siya tatanggihan at nagpre-prepare na po tayo para magawa natin āto,ā aniya. RNT/SA
2 pekeng pulis na holdaper pala, arestado sa Bulacan

August 10, 2022 @3:56 PM
Views:
15