2020 TB testing 2020 bumaba ng 59% — DOH official

2020 TB testing 2020 bumaba ng 59% — DOH official

September 15, 2021 @ 7:06 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bumaba sa 59% ang bilang ng test sa tuberculosis (TB) noong 2020, ayon sa opisyal ng Department of Health.

Ito ang ibinunyag ni Health Undersecretary Mario Villaverde sa datos sa Senate health committee hearing.

“If you will look at the data, the number of tested patients for TB talaga pong bumagsak [really dropped],” ani Villaverde.

Nasa 1.16 milyon ang specimen na nakolekta noong 2018 at isang milyon noiong 2019.

Noong 2020, bumaba ito sa 556,000 na katumbas ng 59%.

“Natatakot na magpakonsulta sa mga health facilities, sa mga hospitals, sa mga clinics because of the fear that they might get COVID-19, as well as the mobilization issues. ‘Di agad nakakapunta sa ating mga health centers,” lahad ni Villaverde. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •