2021 ‘misencounter’ probe sa PNP, PDEA agents ite-terminate ng DOJ sa Marso 2022

2021 ‘misencounter’ probe sa PNP, PDEA agents ite-terminate ng DOJ sa Marso 2022

January 12, 2022 @ 6:23 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Inaasahang ite-terminate ng Department of Justice (DOJ) prosecutors sa Marso 2022 ang imbestigasyon sa kasong kriminal na isinampa sa naganap na ‘misencounter’ sa pagitan ng operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na naganap sa Quezon City noong Pebrero 24, 2021.

Naganap ito sa ikinasang illegal drug operation sa Quezon City kung saan nasawi ang dalawang pulis, isang PDEA agent, at informant.

Ayon kay Prosecutor General Benedictor A. Malcontento, inaasahang ite-terminate ito ng panels ng DOJ prosecutors sa Marso 2022.

Kasama sa inireklamo sina PDEA agents Khee Rodas, Jelou Satiniaman, Jeffrey Baguidudol, at Romeo Asuncion; at pulis na si Alvin Borja.

Nahaharap naman sa homicide sina Santiniaman at Borja kasama ang mga pulis na sina Ronnie Ereno, Marlon Masiclat, Ronilo Prepose, Jason Coranez, Aries Curit, Marco Tapanan, at James Dasalla.

Nahaharap din si Baguidudol sa kasong ‘falsification of official document.’

Inakusahan naman sina Police officers Sandie Caparroso, Paul Gandeza at Honet Besas ng direct assault with physical injuries, direct assault with less serious injuries, at direct assault.

Kapwa naman kakasuhan sina Caparroso at Besas ng pagnanakaw at conniving o consenting to evasion. RNT/FGDC