2021 NLE topnotcher, nagmula sa PWU

2021 NLE topnotcher, nagmula sa PWU

July 18, 2021 @ 12:36 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nanguna sa listahan ng Nurse Licensure Examination (NLE) passers ang isang nurse na nagtapos sa Philippine Women’s University (PWU) na si Haydee Bacani.

Nakakuha si Bacani ng 89.40 porsyento ng examination ratings.

Ayon sa resulta na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), 5,008 ang nakapasa sa NLE, 64.65 porsyento ng kabuuang 7,746 na bilang ng board examinees.

Sa Facebook account ni Haydee, nag-iwan siya ng maikling pahayag kasama ang post ng PRC Board.

“I owe and offer it all to You oh Lord.” aniya.

Sa kabilang banda, pangalawa sa listahan si Liezl Tuazon mula sa Angeles University Foundation na nakakuha ng 89 porsyento ng rating.

Pangatlo naman sina Marlchiel Nathan Sungahed Arreglado ng Saint Paul University, Tuguegarao City at Ana Maria Kim Ramos Vallente mula sa Capitol University (for Cagayan Capitol College) na parehong nakakuha ng 88.6 porsyento.

Samantala, kinilala naman bilang top performing school na mayroong 100 porsyento ng ratings ang Saint Louis University sa Baguio City.

Isinagawa ang pagsusulit sa lungsod ng Maynila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Pangasinan, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga. RNT/Ethel Mangao -trainee


  •  
  •  
  •