2022 Bar Exams naging mapayapa – MPD

2022 Bar Exams naging mapayapa – MPD

November 21, 2022 @ 6:25 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Matagumpay at payapang natapos ang apat na linggong pagsasagawa ng 2022 Bar Examination sa dalawang unibersidad sa Maynila.

Ayon kay MPD Director P/Brig.Gen. Andre Dizon, maayos na nailatag ang seguridad sa pagdaraos ng Bar Exams na ginanap noong Nobyembre 9, 13, 16 at 20 sa San Beda College at De La Salle University na pawang matatagpuan sa lungsod.

Sa nasabing aktibidad, personal na nag-inspeksyon si Dizon kasama sina Justice Mario Lopez, Justice Antonio Kho Jr., Justice Alfredo Benjamin Caguioa, Justice Marvic Mario Victor Leonen, pawang mula sa Supreme Court at MPD Command Group para sa seguridad at kaligtasan ng mga magsusulit.

Pinuri ni Dizon ang mga tauhan ng MPD at lokal na pamahalaan ng Maynila dahil napamahalaan ang aktibidad ng walang anumang untoward incident o masamang pangyayari.

“It is a reflection that an advance planning always gets positive results in every police activity,” aniya. Jocelyn Tabangcura-Domenden