2022 FINIS Short Course Swimming Competition-Visayas leg, sisipa na

2022 FINIS Short Course Swimming Competition-Visayas leg, sisipa na

June 22, 2022 @ 2:28 PM 4 days ago


BUKAS na ang pagpapatala via online ng Visayas leg ng 2022 FINIS Short Course Swimming Competition na sisiklab sa Hunyo 25-26 sa University of Saint La Salle swimming pool sa Bacolod City.

Ayon kay organizing head at FINIS Managing Director coach Vince Garcia, ang lahat ng nagnanais na lumahok na indibidwal, school teams, clubs at organization ay tinatanggap na makiisa sa torneo na bahagi ng malawakang programa ng FINIS para sa pagpapaunlad ng sports sa grassroots level.

“On line registration is still open thru Raceyaya.com. We have a successful Manila leg last March, hopefully the Visayas leg will steer surprises thriathlete as Bacolod is known as swimming hub in the region,” pahayag ni Garcia.

Pinaalalahanan din ni Garcia ang mga opisyal at coaches na isama sa aplikasyon ng mga atleta ang mahahalagang impormasyon tulad ng seeding time at ipadala sa [email protected] at [email protected]

“Swimmers who participated in Manila leg can still join the competition. May chance silang makakuha ng dagdag na puntos to earn a slot for the National Finals which is tentatively set in September,” sambit ni Garcia.RICO NAVARRO