2022 int’l travel mas pag-iigihin ng BI

2022 int’l travel mas pag-iigihin ng BI

January 2, 2022 @ 4:36 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Ipinahayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang kanyang pag-asa na mas magiging maayos ang 2022 international travel sa gitna ng Omicron variant ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Morente na makababangon muli ang sektor ng turismo dahil sa maigting na pagbabakuna ng pamahalaan. Nangako siya na mas pag-iigihin ang serbisyo nito sa international travelers.

“While the entry of Omicron variant of coronavirus (COVID-19) and the devastation caused by killer typhoon Odette slowed down our recovery, we see increased number of travelers compared to last year,” ani Morente.

Sa katunayan, doble ang bilang ng international travelers nitong nakaraang kapaskuhan kumpara noong 2020 sa kabila ng travel restrictions.

Patuloy ng BI chief,  magpapatuloy ang pagtatalaga ng BI ng mas maraming tauhan sa airports at seaports.

“We have imparted our core values of patriotism, integrity, and professionalism through rigorous trainings of our men and women to ensure that they remain service-oriented to travelers” sabi ni Morente.

“But our firm drive against illegal aliens, human trafficking, and illegal recruitment remains,” dagdag niya. RNT/SA