2022 Outstanding gov’t workers pinarangalan ni PBBM

2022 Outstanding gov’t workers pinarangalan ni PBBM

March 8, 2023 @ 4:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Binigyang-parangal ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga natatangi at huwarang state workers ng bansa.

Umaasa naman ang Chief Executive na magsisilbing inspirasyon ang mga ito sa publiko na aktibong nagpartisipa sa pagsisikap ng pamahalaan na makamit ang national development agenda nito.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa  isinagawang Civil Service Commission’s Awards Rites para sa  2022 Outstanding Government Workers sa Palasyo ng Malakanyang,  sinabi ng Pangulo na “Let this occasion be a reminder to all government workers that a service rooted in compassion and love for country and its people is indeed possible.”

“May the examples of our awardees inspire everyone  not only in government, everyone in the Philippines, to actively participate in our efforts to attain  the national development agenda,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Inaasahan naman ng Pangulo na ang  pagdiriwang na ito ay magiging “resounding call for all to embrace their role in uplifting the lives of every Filipino.” sabay sabing, “government workers are privileged to be freely given the trust of the nation, for a public office is a public trust.”

“So, let us repay that confidence by serving them with utmost responsibility, efficiency, and honesty,” ayon sa Pangulo.

Tinukoy pa ng Punong Ehekutibo na ang pagiging public servant ay nangangahulugan ng pagtanggap ng “great responsibility and accountability” maging anuman ang rank ng isang tao o employment status nito.

“Being in government also entails espousing patriotism, integrity, and excellence in every single task and a deep and passionate love of country,” ayon sa Pangulo.

Binigyang diin pa ng Pangulo na ang  career sa gobyerno ay hindi para sa lahat  at ang mga state workers na buong-puso na nagbibigay ng totoo at selfless service araw-araw ay isang investment na ilan lamang ang makaka-afford.

“The awardees’ achievements are indeed remarkable, and it is only right that they are bestowed the distinction and incentives that they deserve,” aniya pa rin.

Pinuri ang mga awardees, sinabi ng Pangulo na “Allow me to congratulate you on this recognition that proves  that you have gone the extra mile in carrying out your  mandates, making you agents of progress  and sources of inspiration in your respective sectors  and communities.”

“You have clearly demonstrated that  a compassionate and genuine heart lies  at the center of your efforts,” ang dagdag na wika nito.

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo ang Civil Service Commission (CSC) at lahat ng lider at empleyado nito para sa pagdaraos ng annual event.

“The painstaking process that the CSC went through to give outstanding individuals their due recognition is much appreciated, as this encourages workers from across many government agencies to remain steadfast in fulfilling their oaths to the public,” ayon sa Pangulo. Kris Jose