2022 sinalubong ng big-time oil price hike

2022 sinalubong ng big-time oil price hike

January 3, 2022 @ 3:45 PM 7 months ago


MANILA, Philippines-Sinalubong ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang taon 2022 na ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa bukas (Enero 4).

Inanunsiyo ng Chevron Philippines na may malakihan silang dagdag presyo na P2.40 sa kada litro ng diesel habang nasa P1.85 naman sa kada litro ng kanilang gasolina at kerosene epektibo alas-12:01 ng madaling araw.

Maging ang dalawang malalaking kompanya ng langis na Petron Corporation at Pilipinas Shell ay magpapatupad din ng kahalintulad na malakihang dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo gayundin ang iba pang kompanya tulad ng Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum na magiging epektibo naman alas-6 ng umaga habang ang kompanyang Clean Oil ay ipatutupad alas-4:01 ng hapon.

Ang isinagawang bigtime oil price hike sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes