2022 TOWNS Awardees, kinilala sa Senado

2022 TOWNS Awardees, kinilala sa Senado

January 24, 2023 @ 1:14 PM 3 days ago


MANILA, Philippines- Pinarangalan ng Senado ang ilang indibidwal na nagbigay ng positibong impact sa kaunlaran ng bansa kabilang ang nagpasimula ng community pantry sa panahon ng pandemya na malaking naitulong sa mahihirap.

Base sa pinagtibay na Senate Resolution No. 39 na inihain ni Senador Sonny Angara, pinarangalan sila bilang pagkilala sa The Outstanding Women in the Nation’s Service (TOWNS) 2023 awardees.

Ayon kay Angara, pangunahing awtor ng resolusyon na walang tumutol sa pagpapatibay nito na ikinokonsidera ang SRNs 250, 252, 283, and 312 recognizing the TOWNS 2022 awardees, na namipi mula sa 70 nominees sa buong bansa.

Bukod kay Ana Patricia Non (Community Service), na nagsimula ng community pantry sa Maginhawa St., sa UP Village, Quezon City, kabilang din sa TOWNS awardees sina Ani Rosa Almario (Education and Entrepreneurship), Rubilen Amit (Sports), Dr. Pia D. Bagamasbad (Molecular Biology), Dr. Beverly Lorraine Ho (Medicine & Public Health), Dr. Erika Fille Legara (Data Science), Keisha Alena Mayuga (Transport Planning), Anna Rosario Oposa (Marine Ecology Conservation), Patricia Marie Ranada (Investigative Journalism), Georgina Romero (Women Empowerment Through Information and Communications Technology), and Dr. Aletta T. Yñiguez (Marine Science).

“I hope they (TOWNS awardees) will serve as true inspiration to everyone to use their talents and skills in uplifting the lives of our fellow Filipinos and for nation-building,” ayon kay Angara.

Ginawang co-sponsor ang lahat ng senador sa pinagtibay na resolusyon.

Ayon sa resolusyon: “The TOWNS award is given to Filipinas age 21 to 50 who have shown outstanding dedication, exceptional talent, and careers that have contributed in a positive way to society.”

“The TOWNS Foundation Inc. is a national organization of dynamic and effective women who have been helping transform the lives of the Filipinos,” ayon pa sa resolusyon. Ernie Reyes