2023-2028 employment roadmap kinasa ng DOLE

2023-2028 employment roadmap kinasa ng DOLE

December 20, 2022 @ 8:32 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Education (DepEd) at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang bigyan ang mga Pilipino ng mga kinakailangang kasanayan sa mga umuusbong na sektor ng trabaho.

Sa kanilang year-end press briefing, sinabi ng DOLE na gumagawa sila ngayon ng isang employment roadmap para sa 2023 hanggang 2028 na magsasaad ng mga hakbangin upang lumikha ng mas maraming trabaho at mabigyan ang mga manggagawa ng kinakailangang mga kasanayan upang mag-adjust sa isang mataas na competitive na market.

Sinabi ni Labor Undersecretary Carmela Torres na nakikipag-ugnayan na sila sa TESDA para natutukan ang 10 key employment sectors para matukoy angga critical occupation para maka-focus sa target ng education sector.

Ayon kay Torres, ang 10 key employment areas na natukoy ng DOLE sa susunod na limang taon ay ang;

-Agriculture

-Health

-Tourism

Manufacturing

-Transportation and Logistics

-Information and Communications Technology (ICT)

-Education

-Creative Industries

-Energy

-Construction

Sinabi ng Kagawaran na magtatayo rin ang TESDA ng ilang innovation center sa bansa.

“They will offer high technical training programs and they will be offering specific courses in line with the requirements of different sectors,” sabi ni Torres. Jocelyn Tabangcura-Domenden