2023 badyet ng DBM, DOF, NEDA, LEDAC, lusot na sa Senado

2023 badyet ng DBM, DOF, NEDA, LEDAC, lusot na sa Senado

November 10, 2022 @ 9:34 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Sonny Angara sa ginanap na deliberasyon ng 2023 national budget sa plenaryo na inaprubahan ang panukalang badyet ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), National Economic and Development Authority (NEDA), at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Base sa impormasyon na ibinigay ng tanggapan ni Angara, chairman ng Senate committee on finance, umabot sa P1.8 bilyon ang badyet ng DBM sa 2023 at P30.6 bilyon sa DOF.

Aprubado din ang P13.2 bilyong badyet ng NEDA pero isinantabi muna ang pondo ng Philippine Statistics Authority (PSA)—isang attached agency of NEDA—dahil may ilang katanungan ang mambabatas sa dito.

Base sa schedule na ipinamahagi ni Dennis Legaspi, communications director ng tanggapan ni Angara, umabot sa P3.08 bilyon ang badyet ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na inaprubahan.

Aniya, “deemed submitted for consideration ang badyet ng apat na ahensiya.

Ipinagtanggol ni Angara ang naturang badyet kahapon sa marathon session sa Senado na nagsimula noong Martes. Ernie Reyes