2023 badyet ratipikado na sa Kamara

2023 badyet ratipikado na sa Kamara

December 5, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ratipikado na ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ang panukalang badyet para sa 2023.

Sa botong viva voce, nanaig ang pagkatig ng mga kongresista sa House Bill 4488 o ang General Appropriations Act.

Mismong s House Speaker Martin Romualdez ang nag-preside ng session nang ratipikahan ang 2023 GAB matapos isinagawang Christmas Lighting Ceremony.

Naunang nagpahayag ng kaniyang pagtitiwala si Romualdez na ang naunang pag-apruba ng bicameral conference committee sa panukalang P5.268-trillion 2023 national budget ang titiyak sa pagtahak ng bansa sa direksyon tungo sa pag-unlad.

Walang duda para kay Romualdez na ang bicam version ng 2023 budget ay sumusuporta sa Agenda for Prosperity at eight-point socioeconomic program ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay Romualdez, ang 2023 budget ay siguradong maghahatid ng tulong sa mga higit na nangangailangan at magpapabilis sa paglago ng ating ekonomiya.

Nakakatiyak si Romualdez na sa pamamagitan nito ay nakakamit natin ang pahayag ng Moody’s Investor Service na ang Pilipinas ay magiging best economic performer sa Asia-Pacific region sa susunod na taon.

Una ng ginarantiyahan ni Romualdez na bago ang Christmas recess ng Kongreso sa Disyembre 17 ay maipapasa na ang panukalang 2023 budget.

Sabi ni Romualdez, ito ay para sa pagpasok ng susunod na taon ay masimulan na agad ng Department of Budget and Management ang paglalabas ng pondo para sa mga ahensya ng gobyerno na syang magpapanatili sa pa-angat na galaw ng ekonomiya.

Pinasalamatan din ni Romualdez ang mabilis na paggalaw ng House Committee on Appropriations sa pangunguna ni Ako Bicol Rep. Elizaldy Co at Marikina Rep. Estella Quimbo.

Sa nasabing 2023 budget ay isinulong ng mga kongresista ang dagdag na alokasyon para sa Department of Education, Department of Social Worker and Development at ang Department of Transportation.

“We put up more funds…masyadong malaki ang idinagdag natin sa…and sa bicam, for social services, including government hospitals. Nilagyan natin [ng budget] ‘yun ng Libreng Sakay [program]. In fact, we added more in this bicam. And then, yung hospitals na specialty, we’re going to build a bigger hospital of about 20 floors,” dagdag pa ni Co. Meliza Maluntag