2023 badyet swak bago mag-Pasko

2023 badyet swak bago mag-Pasko

November 25, 2022 @ 4:28 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso na pasok ang 8-point socio-economic agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa aaprubahang P5.268T General Appropriations Act bago ang Disyembre 25.

Sinabi ni House Committee on Appropriations Chair at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na ginagarantiyahan ng delegasyon ng Kamara sa ginaganap na bicameral conference committee ukol sa P5.268-trilyong national budget para sa 2023 na naglalaman ito ng mga pangunahing economic agenda na inilatag ng administrasyong Marcos.

“Both Congress and the Senate adopted the Medium-term Fiscal Framework prior to the budget deliberations. Ito ang magiging guide post namin sa pag-finalize ng budget,” giit ni Co.

Bagama’t meron aniyang mga naunang hindi pagkakasunduan sa pagitan ng mga Kongresista at mga Senador sa bicam conference na ginanap sa Manila Golf Club sa Makati City, kalaunan ay nagkasundo rin ang magkabilang panig upang isulong ang nararapat na mga probisyon.

“In the end, the final version will be one that best supports the President’s 8-point socio-economic agenda. We envision the final version as a budget that creates jobs, keeps the macroeconomy stable, and helps keep inflation within a manageable range.”

Patuloy na umaasa si Co na lulusot ang badyet dahil ito aniya ay naka-angkla sa layuning guminhawa ang buhay ng mga Filipino.

“My fervent hope is that in the coming days, we arrive at a common and collective decision to reconcile our differences and harmonize them with the programs of the present administration and balance them with the needs of our constituents. Our shared aspiration is to bring a better quality of life for Filipinos; for their future prosperity and advancement,” sinabi pa ni Co.

Hindi lamang si Co ang tumitiyak na maipapasa at maaaprubahan ang 2023 GAA bago ang Disyembre 25 kundi maging si Marikina City Rep. Stella Quimbo, senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations.

“Usually nagiging batas ito before New Year. Pero this year dahil nga maaga tayong nag umpisa ng trabaho, ang aspiration is sana before Christmas,” ayon kay Quimbo.

“Although may mga disagreeing provisions, and I believe amounting to about P215 billion worth of increases in budget items, sa tingin ko naman mabilis na makaka-agree ang House at ang Senado dahil meron tayo, for the first time, inadopt natin ‘yung Medium Term Fiscal Framework na ito na naglalaman ng Eight Point Socio Economic Agenda ng ating Pangulo. So ‘yan ang magiging guiding posts ng House at ng Senate. And in the end, ang maipapasa natin na version ay siyang pinaka-magandang susuporta dito sa ating agenda,” giit pa ni Quimbo. Meliza Maluntag