2023 budget briefings ng Senate finance panel, magsisimula sa Sept. 12 – Angara

2023 budget briefings ng Senate finance panel, magsisimula sa Sept. 12 – Angara

August 22, 2022 @ 5:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang magsimula sa Setyembre 12 ang budget briefings para sa 2023 National Expenditure Program (NEP), ayon kay Senador Sonny Angara nitong Lunes.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na nagsisimula ang deliberasyon sa panukalang 20213 General Appropriation Bill (GAB) sa hanay ng Development and Budget Coordination Committee (DBCC) ng economic managers ng administrasyon.

“[W]e have a draft schedule where we will begin budget briefings at the committee level on September 12,” ayon kay Angara, chairman ng Senate finance panel, sa kanyang Viber message.

Ayon kay Angara, sisimulan ng Senate finance subcommittee ang budget proporal ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

“Headed by the various vice-chairs in their subcommittees, mag-briefing na [r]in sila,” ayon kay Angara.

Nitong umaga, isinumite ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Mababang Kapulungan ang P5.268 trilyong national budget para sa 2023.

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na tatapusin ang deliberasyon sa komite at plenaryo sa panukalang badyet bago mag-Oktubre 1.

Base sa DBM, magdodoble ang pagtaas sa alokasyon sa edukasyon, infrastructure, health, social protection at agriculture.

Ayon kay Pangandaman, hinubog ang P5.268T budget upang tugunan ang kinahaharap na hamon, banta at shocks na may 4.9 increase mula sa nakaraang buwang. Ernie Reyes