2023 budget isusumite ng Malakanyang sa Kongreso sa sunod na linggo

2023 budget isusumite ng Malakanyang sa Kongreso sa sunod na linggo

July 29, 2022 @ 4:58 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – TARGET ng Malakanyang na isumite sa Kongreso, susunod na linggo ang P5.628-trillion national budget para sa taong 2023.

Ito ay matapos na magdaos si Pangulong President Ferdinand Marcos Jr. ng special meeting kasama ang kanyang Cabinet members sa Aguinaldo State Dining Room, Malacañan Palace.

Tinalakay sa special meeting ang panukalang 2023 budget spending.

Sa isang press conference, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang 2023 budget plan ay kasalukuyang pina- fine-tuned matapos na magbigay ng kani-kanilang inputs sa meeting ang ilang Cabinet secretaries.

“May mga kaunting input galing sa iba’t ibang mga kalihim para sa fine-tuning na ito. Makakapagsumite ang department sa Kongreso on time by next week,” ayon kay Cruz-Angeles.

Sa ulat, isusumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang panukalang P5.2 trilyong national budget para sa 2023 sa Agosto 22, 2022.

“We will submit the budget to Congress on August 22,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isang press conference kasunod ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting.

Ang Pangulo, alinsunod aniya kasi sa Seksyon 22, Artikulo VII ng Konstitusyon, ay dapat na magsumite ng panukalang national budget sa Kongreso sa loob ng 30 araw mula sa pagbubukas ng regular session ng Kongreso.

Ang 19th Congress ay nakatakdang magbukas sa Hulyo 25, araw ng unang Ulat sa Bayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nangangahulugan na ang DBM ay mayroong hanggang Agosto 24 para isumite sa mga mambabatas ang panukalang budget para sa 2023.

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangandaman na ang top budget priorities ng gobyerno ay ang “education, health, social safety nets, infrastructure and agriculture.”

Tiniyak ni Pangandaman na ang edukasyon ay patuloy na mananatiling “on top of the budget priorities” na mandato sa Saligang Batas.

Hinggil sa kalusugan, binigyang diin ni Pangandaman ang pangangailangan para sa “healthy and vibrant” citizenry and their “increased productivity in society.”

Gayundin, prayoridad ng administrasyon ang “provision of assistance” sa mga “vulnerable at disadvantaged sectors.”

Hinggil naman sa imprastraktura, sinabi ni Pangandaman na ang DBM ay magbibigay ng funding support para sa pagpapatuloy ng Build, Build, Build Program.

Ukol naman sa agrikultura, umaasa naman si Pangandaman na “make our farmers and fisherfolks more productive” and expressed support for “their services and mechanize and use technology in their processes” to have “self-sufficiency and self-security and lower food prices in the country.”

“It (2023 budget) will be finalized and then submitted to Congress next week,”ayon kay Cruz-Angeles. Kris Jose