2023 budget naisumite na ng DBM sa Kamara

2023 budget naisumite na ng DBM sa Kamara

August 22, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sesentro sa education, infrastructure, health, social protection at agriculture ang 2023 proposed budget na isinumite ni Department of Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa House of Representatives.

Sa isang press conference matapos maisumite ang P5.268 trillion 2023 National Expenditure Program sinabi ni Pangandaman na proactive ang susunod na budget na mas mararamdaman ng taumbayan.

“Our budget for FY 2023 is proactive and resilient. It is designed to withstand future risks, challenges and shocks. Filipinos have bravely faced disasters and crises in recent years and notwithstanding the uncertainties,” ayon kay Pangandaman.

Ani Pangandaman ang target ng Marcos administration ay makuha ang 6.5 hanggang 8.0 percent Gross Domestic Product (GDP) growth mula 2023 hanggang 2028 upang hindi tumaas ang poverty rate kaya naman nakatutok ang budget sa mas nangangailang sektor.

“We have identified the priority sectors in our 2023 National Expenditure Program, which stands at Php5.268-Trillion and 4.9 percent higher than this year’s budget. These priority sectors include education, infrastructure development, health, agriculture and social safety nets,” paliwanag ni Pangandaman.

Sa budget ng education sector kabilang dito ang CHED, DepEd, State Universities and Colleges(SUCs) at TESDA ay tataas ito ng 8.2 % o nasa P852.8 bilyon.

Ang budget ng Deped ay naging P719.6 bilyon mula sa dating P633.3 bilyon.

“As the President said during his first SONA, we should not hold back on investing in education, as education is the only legacy we can leave our children that will never go to waste. This proves this administration’s commitment to invest in human capital development and youth empowerment,” ani Pangandaman.

Sa infrastructure development ay P1.196 trilyon ang alokasyon sa 2023.

Ang Department of Public Works and Highway ay nasa P718.4 bilyong budget; Department of Transportation ay tatanggap ng P167.1- bilyon na mas mataas ng 120.4 porsyento mula sa P75.8 bilyong budget noong 2022.

Ang mataas na budget sa infrastructure ay kasunod ng programang Build, Better, More ng administrasyon kung saan magtatayo ng dagdag na subway, regional airports, railways at farm-to-market roads.

Kabilang pa sa major transportation infrastructure projects na popondohan ay ang North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway Phase 1, LRT-1 Cavite Extension at PNR South Long Haul.

Itinaas naman ng 10.4% ang budget ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na nasa P296.3 bilyon.

“P29-B has been allocated to purchase drugs, medicine and vaccines while more than Php19-B has been allocated for the salary and benefits of healthcare workers,” ani Pangandaman.

Tututukan din sa 2023 budget ang Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na paglalaanan ng P23 bilyon kabilang dito ang pagbili ng medical equipment as construction, rehabilitation at upgrading ng mga barangay health stations, rural health units, polyclinics, LGU hospitals at DOH hospital.

Ang sektor ng agrikultura ay tumaas ng 39.2% ang budget, ang Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform ay bibigyan ng P184.1 bilyong pondo kung saan kabilang dito ang P29.5 bilyon para sa irrigation services.

“In support of the mandate of our President, and in anticipation of a global food crisis and for the long-term goal of food self-sufficiency, we increased the budget of the DA by 43.9 percent, to cover the funding requirements for its programs and projects,” dagdag pa ni Pangandaman.

Samantala ang Department of Social Welfare and Development ay P197 bilyon ang budget sa 2023, sinabi ni Pangandaman na kabilang sa mga programang itutuloy ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Social Pension for Indigent Senior Citizens, Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances, Sustainable Livelihood Program at Supplementary Feeding Program.

Nasa 26.2 bilyong budget naman ang sa Department of Labor and Employment habang P453.1 bilyon para sa climate change expenditures kabilang dito ang mga programa para sa food security, water sufficiency, ecosystem and environmental stability, human security, climate smart industries and services at knowledge and capacity development and sustainable energy.

Dahil sa inaasahang pagpasok ng mga mapinsalang bagyo ay itinaas din ang budget ng Department of National Defense ng 9% o nasa 240.7 bilyon habang P31 bilyon ang alokasyon para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund. Gail Mendoza