2023 budget ng DOE, ERC, NEA oks na Senado

2023 budget ng DOE, ERC, NEA oks na Senado

October 8, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan na ng Senate finance subcommittee nitong Biyernes ang 2023 budgets ng Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC), at ng National Electrification Administration (NEA).

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian, na namuno sa hearing, na ang budgets ng energy bodies ay isinumite na para sa plenary consideration.

Ang budget ng DOE para sa susunod na taon ay P2.2 bilyon. Samantala, naglaan naman para sa ERC at NEA ng P569.9 milyon at P4.11 bilyon.

Sa anim na oras na deliberations ng budget ng mga ahensya, ilang isyu ang tinalakay gaya ng renewable energy, power outages, at high electricity rates.

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, handa ang foreign investors na mag-venture sa renewable energy sa Pilipinas “provided that we are able to increase the equity or ownership limits for foreigners.”

Gayunman, hinikayat ang tatlong ahensya na humanap ng solusyon sa brownouts at mataas na power rates. RNT/SA