2023 budget ratification target ng Senado sa Nob. 30

2023 budget ratification target ng Senado sa Nob. 30

November 8, 2022 @ 7:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Target ng Senado na pagtibayin ang panukalang P5.268-trillion General Appropriations Act para sa 2023 sa pagtatapos ng Nobyembre, ani Senate President Juan Miguel Zubiri noong Lunes.

Dagdag pa niya na ang 2023 General Appropriations Bill (GAB) ay ii-sponsor ngayong Nobyembre 8 at susundan agad ng debate isang araw pagkatapos ng sponsorship nito.

Target naman ng kamara na aprubahan ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa sa Nobyembre 23.

“Sana, maipasa natin at ma-ratify bago mag-30 [November]. So ‘yan ang target ng Senado and as you know, nag-iintay na lang po ‘yung House of Representatives sa atin para sa ating version,” ani Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na walang mga pagdinig sa komite sa plenaryo deliberasyon ng 2023 GAB. Ang mga sesyon ng Commission on Appointments ay sinuspinde rin hanggang Nobyembre 22 hanggang 23.

Tiniyak naman ng Senate President na walang mangyayaring reenacted budget sa 2023, kung isasaalang-alang ang magandang relasyon sa pagitan ng lower at upper chambers.

“Definitely, hindi po tayo magkakaroon ng reenacted budget. Maganda po ang samahan namin sa House of Representatives, together with Speaker Martin [Romualdez] and Majority Leader Manix Dalipe and we are going to assure the public right now that we’re not going to magkaroon ng reenacted budget,” ani Zubiri.

“We promised the president that we’ll pass it latest second week of December. What I mean when I say pass, ratified na. Ibibigay na namin yung libro sa kanya. Gusto namin ay magkaroon tayo ng signing bago mag-Pasko,” dagdag pa niya.

Sa limitadong espasyo sa pananalapi, sinabi ni Zubiri na isasagawa nila ang “fiscal responsibility” at kahusayan. RNT