2023 National Age Group Triahtlon Subic  tatakbo muli sa Sunday

2023 National Age Group Triahtlon Subic  tatakbo muli sa Sunday

January 26, 2023 @ 1:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matapos ang isang buwan pahinga, muling babalik ang mga triathletes at ipagpapatuloy ang kanilang mainit na labanan sa tatong events sa 2023 National Age Group Triathlon Subic leg  Sunday gagawin sa malawak na lupain ng dating US naval base sa Olongapo, Zambales.

Mahigit 400 kalahok kasama si reigning Southeast Asian Games champion Fernando Casares sa star-studded cast magpapaligsahan sa tatlong events– swimming, cycling at running.

May distance na 750  meters swimming, cycling 25 kilometers at running five kilometres.

Bahagi ang competition ng Southeast Asian Triathlon Association  sinuportahan ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Pinamumunuan dati ang SEATA ni TRAP president at dating International Triathlon Union Executive Board member Tom Carrasco.

Hindi lalahok si reigning SEA Games triathlon at duathlon champion Kim Mangrobang kasalukuyan nasa South America nag training bilang paghahanda sa malaking tournaments sasalihan sa 2023.

Si John Chicano Leerams ay nag concentrate sa duathlon sasali sa SEA Games.

Ayon kay Carrasco tiyak magiging kapakapanabik ang competitions dahil lahat na magagaling at aspiring triathletes kasali sa unang tournament ng TRAP Sa 2023.

“Ang event ay isa sa mga tournaments nasa calendar ng TRAP this year,” dagdag ni Carrasco.  “I am expecting another exciting competition. Since Sunday is rest day and no work, I am pretty sure many triathlon fans will watch the event,” wika ng dating POC Chairman.

Kamakailan ginawa ang duathlon sa Clark City Sports Complex nakaraan December last year ginawa ang 2019 SEA Games. Rey Nillama