2023 nat’l budget hihimayin na ng Senado

2023 nat’l budget hihimayin na ng Senado

September 14, 2022 @ 11:19 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Senado ang paghimay sa proposed P5.268 trillion national budget para sa 2023.

Nagsimula ang diskusyon sa budget proposal ng Senate committee on finance sa pamamagitan ng briefing mula sa mga miyembro ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Kabilang sa nasa pagdinig ay sina Finance Secretary Benjamin Diokno, National Economic Development Authority Secretary Arsenio Balisacan at Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Kasabay din nito ay ang pagdinig na isinagawa sa Kamara.

Kung babalikan, mas mataas ang proposed budget sa susunod na taon kumpara sa budget ngayong taon na P5.024 trillion. RNT/JGC