2023 nat’l budget hihimayin ng Kamara sa Agosto 26

2023 nat’l budget hihimayin ng Kamara sa Agosto 26

August 25, 2022 @ 3:27 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sisismulan na ng House of Representatives bukas, Agosto 26, ang pagbusisi sa P5.268 Trillion 2023 proposed national budget.

Ang economic team ni Pangulong Bongbong Marcos na Development Budget Coordination Committee(DBCC) na kinabibilangan nina Budget Secretary Amenah Pangandaman, NEDA Secretary Arsenio Balisacan, Finance Secretary Benjamin Diokno at Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP) Governor Felipe Medalla ang syang unang sasalang sa budget briefing kung saan ipaliliwanag nila ang paggagamitan ng budget.

Kasama sa tatalakayin ng DBCC ang sources of financing, expenditure levels at budget proposal ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.

Lunes hanggang Biyernes ang gagawing briefing ng Kamara para sa budget at inaasahang matatapos ito sa Setyembre 16.

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na bago mag-October 1 ay aaprubahan ng Kamara ang budget at kanila itong ipapasa sa Senado. Gail Mendoza