2023 nat’l budget makatutulong sa ekonomiya – Romualdez

2023 nat’l budget makatutulong sa ekonomiya – Romualdez

December 5, 2022 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni House of Representatives Speaker at Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa ang maaaprubahang proposed P5.268 trilyon na national budget sa 2023.

Idiniin niya na ang consolidated version ng 2023 General Appropriations Bill (GAB) ay susuporta sa socioeconomic program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“With this budget, which is the first full-year spending plan proposed by the President, we hope to hasten our economic growth, which should benefit our people,” sinabi ni Romualdez kasabay ng pagbati sa bicameral conference panel sa pagpasa ng 2023 GAB.

“It is the most important tool in accomplishing the objectives of the President’s Agenda for Prosperity and his eight-point socio-economic development plan,” dagdag pa niya.

Nauna nang nangako si Romualdez na raratipikahan ang naturang badyet bago ang recess ng Kongreso sa Disyembre 17.

Hindi naman detalyadong tinukoy ang mga pagbabago sa alokasyon sa ilalim ng bersyon ng GAB ng bicameral committee ngunit sinabi naman ni Senador Sonny Angara, pinuno ng Senate committee on finance, na tinaasan ang pondo sa edukasyon at imprastruktura.

“‘Yong nadagdag is ‘yong education budget, that’s the state university and colleges tapos ‘yong Department of Education, tapos itong infrastructure budget nadagdagan din, tapos among the agencies, DOJ, DILG, Supreme Court and the Judiciary, ‘yon ang mga naalala ko,” ani Angara.

“‘Yong mga nabawasan, ‘yong mga special funds saka ‘yong mga may kaunting bawas at ‘yong ibang foreign assisted projects, nilagay namin sa unprogrammed funds. Kasi under the unprogrammed funds, ‘pag may foreign funding siya, kapag nagmaterialize na ‘yong loan, pwede nang pondohan ‘yon,” dagdag pa niya.

Inihayag din ni Angara na ang proposed P150 milyon confidential and intelligence funds (CIF) ng Department of Education at P10 bilyon na pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ay ibinalik. RNT/JGC