2023 proposed budget kapos sa pondo para sa kulang na klasrum – DBM

2023 proposed budget kapos sa pondo para sa kulang na klasrum – DBM

August 26, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inamin ng Department of Budget and Management (DBM) onitong Biyernes na hindi sapat ang pondo ng pamahalaan para sa P5.2 trilyong proposed national budget para sa 2023 upang matugunan ang classroom shortage.

“There is a separate budget for school buildings at P13.9 billion, [but] we don’t have enough funds to provide for the backlog of the classrooms,” ani Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Day 1 ng budget deliberations sa Kamara.

Ito ang naging tugin ni Pangandaman kay Gabriela party-list Representative Arlene Brosas, na tinanong kung bakit ang proposed 2023 budget ay naglaan lamang ng P13.9 bilyon para sa school buildings aat nd P2.5 bilyon para sa housing at community facilities.

Sinabi ni Brosas na maliit ito kumpara sa infrastructure budget para sa road networks (P429 billion), railways (P105 billion), at right-of-way projects (P28.6 billion).

Inihayag pa ni Brosas na dapat na mas malaki ang pondong ilaan para sa mga silid-aralan at socialized housing, dahil sa malaking backlog na 40,000 classrooms at 6.5 million housing units.

“Madam Chair, iyong pondo po na ito, why not put it in schools and public housing, or other social services na mas mararamdaman ng ordinaryong Pilipino?” tanong ni Brosas.

Sinabi ni Pangandaman na bagama’t hindi sapat ang budget para sa mga silid-aralanginagawa ng gobyerno ang makakaya upang kumasya ang resources sa pagtugon sa mga backlog sa government infrastructure, kabilang na ang classrooms.

“We already increased the budget for [school buildings] by P3 billion. Madam chair, we also need to take into consideration the absorptive capacity of the agency in the preparation of the budget,” sabi niya.

“In preparing the budget, we also consider the fiscal space given to us by the Development Budget Coordination Committee. We have a formula to come up with a budget for each department, and we take into consideration the absorptive capacity of the agencies,” dagdag ni Pangandaman.

Nauna nang inihayag ni Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa na hindi sila umaasa na matutugunan nang buo ang 40,000-classroom shortage sa 2023. RNT/SA