203 pang tauhan ng PNP sapul ng COVID

203 pang tauhan ng PNP sapul ng COVID

June 5, 2021 @ 11:55 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Patuloy na dumarami ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police.

Pumalo na sa 24,691 ang kaso ng sakit sa organisasyon matapos magpositibo sa COVID ang 203 pang tauhan nito.

Nagtala naman ng 104 pang gumaling sa sakit kaya’t 22,890 na ito sa kabuuan.

Habang 68 ang nasawi matapos masawi ang isa pa sa hanay.

Sa kasalukuyan, nagpapagaling sa sakit ang 1,733 tauhan ng PNP. RNT/ELM