Jang Lucero murder case, bubusisiin na ng NBI

Jang Lucero murder case, bubusisiin na ng NBI

August 2, 2020 @ 4:43 PM 2 days ago

Share

Manila, Philippines – Tinutukan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso kaugnay sa pagkamatay ni Jang Lucero at insidente ng pagdukot sa girlfriend nito at kanyang pamangkin.

Ayon sa ulat, mismong si NBI Director Eric Distor na ang personal na nagtungo sa Laguna at nakaharap na rin ang ilang sinasabing saksi  na maaaring makapagbigay linaw sa pagkamatay ni Lucero maging ang pagdukot sa kanyang girlfriend na si  Meyah Amatorio noong Hulyo 29 kasama ang pamangkin ni Amatorio na si Adrian Ramos.

Sinabi rin ni Distor na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa NBI na alamin ang punot dulo sa pagpatay kay Lucero na tadtad ng saksak.

“No less than the President ay nakatutok at nakasubaybay sa kasong ito. At ang sabi niya ‘alamin mo ang buong katotohanan’,” pahayag ni Distor.

Aniya dapat ma-secure ang mga witness dahil may dinukot at pinatay na naman.

Maliban dito, ini-eksamin din ang mga Facebook post na tila nagpapaligaw aniya sa imbestigasyon sa pagbibigay ng iba’t ibang suspek ng NBI Cyber Crime.

Nanawagan naman ang NBI sa maaaring may kinalaman o impormasyon sa insidente ay maaaring magpadala ng mensahe sa NBI. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Comments (4)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...