204 pa nahawaan ng COVID sa PNP

204 pa nahawaan ng COVID sa PNP

January 23, 2022 @ 1:42 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala pa ang Philippine National Police  nitong Linggo ng dagdag na 204 COVID-19 cases kung saan umabot na sa kabuuang 47,194 ang hawaan.

Sa nasabing bilang, nasa 3,151 ang aktibong kaso, ayon sa datos mula sa PNP Health Service.

Nasa 331 naman ang karagdagang nakarekober sa hanay ng PNP kaya umabot na sa 43,917 ang total recovery.

Nananatili sa 126 ang nasawi sa COVID-19. RNT