20,741 pang bagong kaso ng #COVID naitala; 189 patay, 21,962 gumaling

20,741 pang bagong kaso ng #COVID naitala; 189 patay, 21,962 gumaling

September 4, 2021 @ 4:02 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Naitala ang 20,741 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Setyembre 4, 2021.

Nakapagtala rin ng karagdagang 21,962 na bagong gumaling at 189 na bagong pumanaw.

Sa kabuuan, nasa 2,061,084 na ang tinatamaan ng coronavirus disease sa bansa habang 1,869,376 naman ang total  COVID-19 recoveries at 34,062 naman ang namatay na sa sakit.

Sa bilang ng kabuuang mga kaso, ang naitalang altibong kaso ngayon ay umakyat na sa 157,646.

Ayon sa DOH,maari pang tumaas ang kaso sa susunod na mga araw kaya naman ang pagsunod sa health protocol at minimum public health standards ay lubos na mahalaga upang hindi kumalat ang virus sa komunidad.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)