208 kadete ng PNPA gagradweyt na!

208 kadete ng PNPA gagradweyt na!

March 8, 2023 @ 6:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasa 208 kadete ang magsisipagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa darating na Biyernes, Marso 10.

Sa public briefing nitong Miyerkules, Marso 8, sinabi ni PNPA public information officer P/Lt. Col. Louie Gonzaga na naghahanda na sila para sa idaraos na commencement exercises ng Masidtalak Class of 2023.

186 sa 208 graduating cadets ang lalahok sa Philippine National Police (PNP), 11 sa Bureau of Fire Protection (BFP), at 11 sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ani Gonzaga.

Ngayong araw, dumalo naman sa baccalaureate services ang mga magsisipagtapos na kadete, kasunod nito ay ang rehearsal sa paghahanda para sa idaraos na commencement exercises.

Inaasahang dadaluhan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kabilang ang mga hepe ng PNP, BFP, at BJMP, mga miyembro ng Gabinete at local government officials.

“Let us keep up with the standard of discipline, excellence, and honor, and lagi nating i-prioritize iyong ating susumpaang tungkulin na paglingkuran ang ating mga mamamayan, and in keeping our communities safe and conducive for living,” mensahe naman ni Gonzaga sa mga magsisipagtapos.

Samantala, ibinalita rin niya na tumatanggap pa rin ng aplikasyon ang PNPA para sa mga nais na maging bahagi ng Class of 2027. RNT/JGC