2,098 kaso inihain vs tauhan ng PNP sa drug war – Fajardo

2,098 kaso inihain vs tauhan ng PNP sa drug war – Fajardo

November 25, 2022 @ 5:33 PM 1 day ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 2,098 na kasong administratibo ang inihain laban sa mga opisyal at non-uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP) mula noong Hulyo 1, 2016 hanggang Nobyembre 16 ng taong ito kaugnay ng kontrobersyal na “drug war”.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa ibinahagi niya nitong Biyernes, Nobyembre 25, ang mga reklamo ay nagresulta sa pagkakatanggal sa serbisyo ng humigit-kumulang 554 PNP personnel.

“From July 1, 2016, to November 16, 2022, the PNP took cognizance of more or less 2,098 cases and from that number, there are more or less 554 PNP personnel that were dismissed from the PNP service. There were those demoted, there were those suspended,” sinabi ni Fajardo.

“Kasama na rin po diyan iyong nag-positive sa drug use at na-involve sa illegal drug activities,” dagdag na paliwanag niya.

Ani Fajardo, ang mga nabanggit na bilang ay mula sa automatic review ng PNP sa mga police anti-drug operations na nagresulta sa pagkasawi ng ilang mga sangkot dito.

“The PNP is periodically conducting review, evaluation and assessment with respect to the manner of execution – to harmonize if there are some police strategies that need to be improved, so that we can improve the manner in which we conduct our operations,” giit ni Fajardo.

Ang pahayag na ito ng PNP ay kasunod ng paghatol ng korte sa dalawang pulis-Caloocan na sina Jefrey Perez at Ricky Arquilita, na kinasuhan ng murder, torture at pagtatanim ng ebidensya sa dalawang kabataan na napatay noong 2017 na sina Carl Arnaiz, 19 at Reynaldo “Kulot” de Guzman, 14. RNT/JGC