20th MEETING OF THE ASEAN WORKING GROUP ON WATER IDINAOS VIA ZOOM

20th MEETING OF THE ASEAN WORKING GROUP ON WATER IDINAOS VIA ZOOM

August 7, 2020 @ 12:04 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Sa patuloy na pagharap ng mundo sa Coronavirus Disease 2019 pandemic kung saan nasa 300,929 na ang nagpositibo sa Southeast Asian Region o katumbas ng 1.62% ng world count na nasa 18.57 million na, idinaos sa pamamagitan ng Zoom video conferencing ang 20th Meeting of the ASEAN Working Group on Water Resources Management (AWGWRM) nitong July 29, 2020 na pinangunahan ng Singapore bilang host country.

Nagsama-sama sa pulong ang mga kinatawan ng mga bansang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao Peoples Democratic Republic, Malaysia, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas na buhat sa National Water Resources Board bilang principal agency ukol sa pangangalaga ng tubig at katubigan sa bansa.

Kasama rin ang Partnerships in Environment Management for the Seas of East Asia.

Kabilang sa mga pinag-usapan ang ASEAN Socio-Cultural Community Blueprint 2025 na isang programa na nakatuon sa pagsasanib ng mga gawain para sa isang “people-oriented, people-centered, environmentally period and geared on the promotion of sustainable development”.

Kabilang din ang AWGWRM action plan at open session para sa ongoing/proposed AWGWRM collaboration.

Itinatag ng ASEAN Senior Officials on the Environment ang AWGWRM sa kanilang 13th Meeting na ginanap sa Siem Reap, Cambodia noong July 2002 para magkaroon ng regional cooperation sa freshwater management.

Sa Panglao, Bohol naman ginanap ang 19th AWGWRM meeting noong taong 2019.

Sa nasabi ring pulong, nahalal ang Lao PDR bilang siyang chairman ng AWGWRM na matagal na hinawakan ng Malaysia.

Batay sa datos ng ASEAN Secretariat, nasa 91.6% ng kabuuang populasyon ng ASEAN na 634 million ang mayroong access sa malinis na tubig kumpara sa 76.9% noong taong 1990.


  •  
  •  
  •  

Loading...