21-anyos patay sa kidlat sa dagat

21-anyos patay sa kidlat sa dagat

March 23, 2022 @ 1:10 PM 3 months ago


CAGAYAN-Patay ang 21 anyos na lalaki matapos tamaan ng kidlat habang nasa pampang ng dagat sa isang resort sa bayan ng Claveria dito sa nasabing lalawigan.

Namatay habang ginagamot sa Northern Cagayan District Hospital sa bayan ng Sanchez Mira si Albert Ulnagan alyas Henry 21 anyos residente ng Barangay Pata East Claveria, Cagayan.

Nakaupo ang biktima kasama ang 16 anyos na si Romnick Yadao sa pampang ng dagat sa harap ng Villa Aurora resort na kampanteng nagcecelphone ng tumama ang kidlat sa isang Pine tree.

Nadamay ang dalawa kung saan napuruhan si Ulnagan na sanhi ng kanyang kamatayan.

Maswerteng nakaligtas naman si Yadao na sinasabing nagtamo lamang ng minor injuries at ngayon ay nagpapagaling sa nasabing hospital. Rey Velasco