21 Chinese nat’ls, blacklisted sa PH

21 Chinese nat’ls, blacklisted sa PH

June 23, 2020 @ 4:42 PM 7 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Idineklara ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na “blacklisted” ang may 21 Chinese nationals na pawang mga “overstaying” sa bansa makaraang lumabag ito sa panuntunan ng Visa Upon Arrival (VUA) program ng gobyerno.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inisyu na ilagay sa blacklist ang mga nasabing dayuhan makaraang ipag-utos sa mga ito na agad umalis sa bansa matapos nilang i-update ang kanilang pananatili at mabayaran ang mga kinakaharap nilang bayarin, multa, at parusa.

“As a consequence of their being placed in our blacklist, these Chinese nationals are now barred from re-entering the Philippines for violating the conditions of their stay,” ani Morente.

“The aliens overstayed their visa without valid justification and in violation of the terms and conditions under which they were admitted as grantees of the VUA program, a landed visa scheme that the government launched three years ago to attract more Chinese tourists into the country,” saad sa pahayag ng BI.

Napag-alaman na ang mga nasabing 21 blacklisted na Chinese nationals ay dumating sa bansa sa magkahiwalay na buwan itong nagdaan lamang na Disyembre at Enero makaraan nilang mag-aplay ng aplikasyon para sa VUA program na inaprubahan ng BI.

Sa nasabing programa, ang mga dayuhan na inaprubahan ng VUA ay may pribilehiyo na makapasok at manatili sa bansa sa loob ng 30 araw nang hindi na kailangan ang entry visa mula sa Philippine consulate mula sa kanilang pinanggalingang lugar.

Ang mga tatanggap ng VUA ay nag-aaplay sa pamamagitan ng mga tour operator na kinikilala ng Department of Tourism (DOT).

“Department of Justice (DOJ) circular issued last Jan. 8 that amended VUA’s guidelines strictly prohibit VUA recipients from extending their stay beyond 30 days unless by reason of force majeure or medical emergency,” saad pa ng BI.

Matatandaan na sinuspinde ng BI ang implementasyon ng VUA nito lamang buwan ng Enero kasabay ng kasagsagan nf coronavirus outbreak sa Wuhan at iba pang lugar sa China.

Ayon sa BI, nananatiling suspendido ang nasabing programa habang patuloy na hinihigpitan ng gobyerno ang pagpasok ng lahat ng mga dayuhang turista dahil sa pandemya ng COVID-19. Jay Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...