21 kaso ng iba’t ibang COVID variants naitala sa Caraga  

21 kaso ng iba’t ibang COVID variants naitala sa Caraga  

June 4, 2021 @ 7:34 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health – Caraga Region na nasa 21 bagong kaso ng iba’t ibang COVID-19 variants ang naitala sa kanilang lugar, batay sa resulta ng Whole Genome Sequencing ng University ng Philippines-Philippine Genome Center.

Sinabing 13 ang nagpositibo sa B.1.351 variant na unang natukoy sa South Africa; pito sa B.1.1.7 na unang natukoy sa UK; at isang P.3 na unang na-detect sa Pilipinas.

Lumalabas sa imbestigasyon na 13 sa 21 variant cases ay walang travel history habang walo ang close contact sa dati ng kumpirmadong mga kaso.

Hinikayat naman ng departamento ang publiko na sundin ang minimum health protocols. RNT/FGDC