21 katao patay umano sa disgrasya matapos na lumikas sa pagsabog ng bulkang Taal-solon

21 katao patay umano sa disgrasya matapos na lumikas sa pagsabog ng bulkang Taal-solon

January 13, 2020 @ 12:55 AM 11 months ago

  •  
  •  
  •  

Batangas – Patay ang 21 na sinasabing mga mangingisda matapos na bumulusok ang sinasakyang jeep sa bangin habang lumilikas sa pagputok at pagbuga ng abo ng bulkang Taal, kinumpirma ng isang mambabatas.

Nangyari umano ang insidente sa Barangay Banyaga, sa bayan ng Agoncillo ang insidente ayon kay Batangas Rep. Ma. Theresa Collantes.

Pinaniniwalang mga mangingisda ang namatay.

Sa ngayon ay nababalot pa rin sa makapal na ubo ang lugar kaya hindi pa ito mapasok ng lokal na gobyerno.

Pero naka-standby ng ang mga kawani ng Disaster Risk Reduction Management Council sa munisipalidad at probinsya para sa anumang oras na pagresponde sa lugar. Remate News Team


  •  
  •  
  •  

Loading...