21 lindol umuga sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras

21 lindol umuga sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras

July 4, 2022 @ 10:25 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Kanlaon Volcano sa Negros Island ng 21 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 na oras, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.

Sa ulat nitong alas-5 ng umaga, sinabi ng PHIVOLCS na pinananatili ang Alert Level 1 sa bulkan.

Ang Kanlaon ay nagbuga ng 151 tonelada ng sulfur dioxide noong Mayo 1 at bahagyang lumaki ang edipisyo nito, ayon sa PHIVOLCS.

Ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid na malapit sa bulkan ay ipinagbabawal, sabi ng PHIVOLCS.

Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa posibleng biglaang steam-driven o phreatic eruptions batay sa aktibidad ng bulkan. RNT