21 OFWs nakatanggap ng P10K ayuda ng OWWA

21 OFWs nakatanggap ng P10K ayuda ng OWWA

October 2, 2022 @ 2:01 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakatanggap ng livelihood assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang nasa 21 mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong Biyernes, Setyembre 30.

Ayon sa OWWA-NCR, ang natangap na P10,000 ayuda ay bahagi ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay (BPBH) at ang Livelihood Development Assistance Program (LDAP).

Nakipagtulungan ang OWWA sa National Reintegration Center for OFWs (NRCO) upang matulungan ang mga nagbalik-bansa na makapagsimula ulit ng hanapbuhay dito sa Pilipinas.

Dahil dito ay hinimok ni NRCO Executive Director Dindi Tan ang lahat ng mga returning OFWs na samantalahin ang naturang programa.

“This program aims to help our returning OFWs. We encourage them to put up their businesses so that loved ones here in the Philippines should not only rely on their remittances. This is a good jumpstart for our Kababayan abroad. This is for all of you,” ani Tan. RNT/JGC