21 patay sa pamamaril sa Texas school

21 patay sa pamamaril sa Texas school

May 25, 2022 @ 1:12 PM 1 month ago


UVALDE, Texas- Pinagbabaril ng isang teenage gunman ang isang elementary school sa South Texas nitong Martes, kung saan 18 bata at tatlong matatanda ang nasawi bago mapatay din ang suspel, ayon sa mga opisyal sa Estados Unidos.

Sinabi ni Governor Greg Abbott na ang suspek na kinilalang si Salvador Ramos, 18, ay napatay ng mga pulis na rumesponde sa insidente, at dalawa umanong mga pulis ang natamaan ng bala, subalit nilinaw niya na hindi seryoso ang natamong sugat ng mga ito.

Mag-isa umano ang suspek ayon sa mga awtoridad.

Hindi pa rin natutukoy ang motibo sa Texas shooting, na pinakabagong kaso ng mass shooting na lumalaganap sa Estados Unidos.

“It is being reported that the subject shot his grandmother right before he went into the school,” pahayag ni Abbott. “I have no further information about the connection between those two shootings.” RNT/SA