21 PDLs sa SoCot jail nagpositibo sa droga

21 PDLs sa SoCot jail nagpositibo sa droga

January 14, 2022 @ 10:27 AM 1 week ago


KORONADAL CITY – Nabuking na positibo sa droga ang 21 person deprived of liberty sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) sa isinagawang sorpresang drug test.

Sa interbyu, sinabi ni Lorey Celeste, acting provincial jail warden, na ang resulta ay base sa random drug test sa 48 na 1,544 PDLs sa SCRDC nitong Miyerkoles.

Para masubaybayan ang kanilang galaw, inilagay sa iisang selda ang mga nagpositibong PDL kasama ang dalawa pang angpositibo rin sa droga noong nakaraang taon.

“We are investigating the inmates who are now being kept safe at cell number 14,” ani Celeste.

Ikinasa ang sorpresang drug test matapos na makakumpiska ng 58 na kontrabando sa ikinasang oplan greyhound.

Kabilang sa nasamsam ang 25 na touch screen mobile phones, 15 gawa-gawang patalim, at 11 na improvised ice picks.

Gii ni Celeste, nakilala na nila ang PDLs na umaaktong runner ng iligal na droga sa loob.

“To prevent them from communicating with their supplier outside the premises eight inmates were placed in a separate cell,” dagdag pa ng opisyal. RNT