21 Pinoy seamen, 3 stranded sa India, makauuwi na!

21 Pinoy seamen, 3 stranded sa India, makauuwi na!

October 6, 2018 @ 12:34 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Makalipas ang higit tatlong buwan, makauuwi na sa kani-kanilang pamilya ang nasa 21 Pinoy seafarers na inabandona ng kanilang employer sa pantalan sa NewDelhi, India.

Ito ay matapos kumpirmahin ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagbigay na ito ng direktiba sa embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa na tulungan ang mga na-stranded na Pinoy seafarer.

Napag-alaman na mahigit tatlong buwan na nang maiulat ang mga na-istranded na Pinoy seafarers na pawang lulan ng MV Evangelia M.

Nang malaman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang sitwasyon ng mga nabanggit na seafarers ay agad na iniutos ang pagpapadala ng Consular officers sa Kakinada Port na may layong mahigit 1,800 kilometers mula sa New Delhi.

Iniutos din ni Cayetano sa DFA Office of Migrant Workers Affairs na humingi ng tulong sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para matiyak ang agarang repatriation o pagpapabalik sa bansa ng mga ito  at maibigay din ang mga nararapat na tanggaping sweldo ng mga ito. /Beth Dominguez