Higit 1500 motorista nasita sa unang araw ng expanded coding

August 16, 2022 @7:25 AM
Views:
4
MANILA, Philippines – Mahigit 1,500 sasakyan ang napagsabihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng dry run para sa expanded number coding scheme sa National Capital Region.
Aabot sa 1,549 na motorista ang pinara ng mga opisyal ng MMDA nitong Lunes, Agosto 15 dahil sa pinalawig na number coding scheme, na nagbabawal sa mga sasakyan na bumyahe sa ilang kalsada sa ilang oras minsan sa isang linggo.
Sinasaklaw nito ang mga pangunahing kalsada sa kabisera na rehiyon kabilang ang EDSA, Commonwealth, Roxas Boulevard, R1 hanggang R10, C1 hanggang C6, Alabang Zapote Road, McArthur Highway, Marcos Highway, at Mabini Street.
Sinabi ng MMDA na ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa mga sumusunod na digit ay hindi pinapayagan sa kalsada mula 7:00 am hanggang 10:00 am:
– Lunes – 1, 2
– Martes – 3, 4
– Miyerkules – 5, 6
– Huwebes – 7, 8
– Biyernes – 9, 0
Ang mga nasitang motorista ay hindi muna natikitan pero simula Huwebes, Agosto 18, ay pagmumultahin na ang mga lalabag ng P300.
“’Pag nahuli ka ng tatlong beses sa isang taon, sina-summon ka namin para mag-seminar. Sa LTO [Land Transportation Office], sinu-suspend nila yan but we’re just recommendatory. LTO na ang magdedesisyon,” ani MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija.
Idinagdag ni Nebrija na ang muling pagpapatupad ng pre-pandemic number coding scheme ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa bansa. RNT
VP Sara pabor sa P2.4B laptop deal probe

August 16, 2022 @7:12 AM
Views:
9
MANILA, Philippines – Hiniling ng Department of Education (DepEd) sa fraud audit ng Commission on Audit (COA) na silipin ang di umano’y overpriced at outdated laptops na binili para sa mga guro.
Sinabi ni DepEd Undersecretary and Chief-of-staff Epimaco Densing III na naipadala na nila ang liham para kay COA Chairperson Jose Calida.
“In the meantime, while we are not yet declaring that there is a fraudulent transaction that happened at that time, we’re also not saying that there is none… Kaya nga po ang direktiba po sa’min ni Secretary, ni VP Sara, paimbestigahan niyo na ‘yan, para makita kung mayroon bang kalokohan o wala,” ayon kay Densing.
Sinabi ni Densing na nagbigay ng basbas si Vice-President at DepEd Secretary Sara
Duterte na hilingin sa fraud audit ng COA na silipin ang pagbili sa P2.4 bilyong halaga ng laptops sa pamamagitan ng Procurement Services of the Department of Budget and Management (PS-DBM).
“Ang tinitingnan po namin ngayon is not an official investigation yet, and this is the reason why we are asking COA to do a fraud audit, the reason why it was downgraded from 1.9 gigahertz to 1.8 gigahertz. At the same time tumaas din ang presyo, and why is it [an] Intel Celeron,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, ang lahat ng mga dokumento ay kaagad na Ibinigay ng PS-DBM dahil na rin sa request ng DepEd at kagyat na naipadala na sa COA.
Sinabi ni Densing, na mas gusto ng DepEd na mismong ang kanilang team ang mangangasiwa sa pagbili ng kung anuman ang magiging pangangailangan ng departamento upang maiwasan na maulit ang kahalintulad na kontrobersiya matapos na mapuna ng COA ang 2021 report ukol sa procurement ng P2.4 billion laptops para sa online classes sa gitna ng Covid-19-pandemic.
“Kami sa execom ng DepEd, we are already one that for future procurement, we will do our procurement via our own procurement service here at the DepEd, and hopefully wala nang mga ganung klase ng budget na ibibigay out of the blue, para hindi na rin tayo dumaan sa PS-DBM,” ang pahayag ni Densing. Kris Jose
Manufacturer, distributor group pinulong ni PBBM sa sugar supply

August 16, 2022 @6:58 AM
Views:
10
MANILA, Philippines – Tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. (PCFMI), ang posibleng solusyon sa kakapusan ng suplay ng asukal sa bansa.
“Tayo ay nakipagtalakayan sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers upang masolusyunan ang kakulangan ng asukal sa bansa,” ayon Kay Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page.
Wala namang ibinigay na karagdagang detalye sa usaping ito subalit tiniyak ni Pangulong Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito upang pigilan ang pagtaas ng presyo ng asukal upang ang lahat ng negosyo ay mapanatiling tumatakbo o operational at matiyak ang seguridad sa trabaho.
“Hangad natin ang maayos na takbo ng mga negosyo at magkaroon ng seguridad sa trabaho ang mga kababayan natin sa industriya ng fast-moving consumer goods o FMCG kaya naman ating sinusuri ang pagtatakda ng malinaw na sistema na may kinalaman sa pagtaas ng suplay ng asukal,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, ang PCFMI ay pangunahing organisasyon ng mga “manufacturers and distributors” ng mga food products sa Pilipinas.
Responsable ito sa pagbibigay sa mga consumers ng ligtas, masustansiya at abot-kayang halaga ng processed food products alinsunod sa local at international standards and regulations.
Samantala, posibilidad na umangkat ang bansa ng 150,000 metriko tonelada pagdating ng Oktubre.
Sa kanyang lingguhang vlog, na ini-upload noong Linggo, ipinaliwanag ng Punong Ehekutibo na sapat na ang kasalukuyang imbentaryo ng asukal sa bansa at hindi na kailangan pang mag-import sa kasalukuyan.
Bago anya mag-import ng panibagong asukal ay dapat ubusin na muna ang kasalukuyang ang suplay.
Sa kanyang kalkulasyon, ang suplay ay maaaring lumiit pagsapit ng Oktubre. Pero hindi aniya aabot sa 300,000 MT ang aangkatin.
“Pero kakaunti lang hindi kasing dami ng kanilang sinasabi dati na 300,000 tons. Eh siguro marami — malaki na ‘yung 150,000 tons para sa bu- ong taon na ito,” aniya pa rin.
Nauna nang nanawagan ang Malacañang na imbestigahan ang hindi awtorisadong paglagda sa isang resolusyon ng mga miyembro ng Sugar Regulatory Administration na nag-utos sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal. Kris Jose
Hilaga, gitnang Luzon uulanin sa habagat

August 16, 2022 @6:45 AM
Views:
10
MANILA, Philippines – Patuloy na makaapekto ang sa hilaga at gitnang Luzon ngayong Martes, iniulat ng PAGASA.
Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Zambales, at Bataan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat at mga localized thunderstorm na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkulog.
Sumikat ang araw bandang 5:42 a.m., at lulubog ito mamayang 6:19 p.m. RNT
Vivian, pinagkumpara ang OOTD nina Heart at Maris, na-bash!

August 15, 2022 @7:40 PM
Views:
70