211 Anakpawis, CTG supporters tumalikod sa rebelde

 211 Anakpawis, CTG supporters tumalikod sa rebelde

February 28, 2023 @ 12:02 PM 1 month ago


CAVINTI, Laguna –NAGPAHAYAG ng kanilang sinsiredad ang 211 miyembro at tagasuporta ng Anakpawis at communist terrorist groups (CTGs) sa gobyerno sa pamamagitan ng pagtalikod at pagbawi ang kanilang suporta sa kilusang rebelde, iniulat kahapon sa bayan ng Taytay.

Sa ginanap na seremonya na pinangasiwaan ng Taytay Municipal Task Force–ELCAC (End Local Communist Armed Conflict) na naganap sa Taytay, Rizal noong Linggo.

Pinangunahan nina Taytay Mayor Allan Martine de Leon at Brig. Gen. Cerilo Balaoro Jr., commander ng 202nd Infantry Brigade, ang nasabing seremonya.

Ang Anakpawis, isang party-list group na nagsasabing kinakatawan ang marginalized sectors ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, minorya, urban at rural na maralita, at isang electoral wing ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at ng grupong magsasaka na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ay matagal nang kinilala ng mga awtoridad bilang isa sa mga legal front ng Communist Party of the Philippines (CPP) at recruitment ground para sa armadong kilusan nito, ang New People’s Army (NPA).

Sa programa sa Sitio Pyramid, Barangay Dolores, ibinahagi ng mga dating tagasuporta ng CTG ang kanilang mga karanasan sa panloloko ng makakaliwang organisasyon.

Nagpahayag sila ng pasasalamat sa patuloy na kampanya ng pamahalaan sa kamalayan na humantong sa kanilang pag-alis ng suporta at pagiging miyembro mula sa mga sektoral na organisasyon ng CPP-NPA.

Bilang pagpapatibay ng kanilang hindi pagkakaugnay at pag-alis sa Anakpawis at CTG, ang mga dating miyembro at tagasuporta ay nangako ng katapatan sa gobyerno at sinunog ang mga watawat ng CPP-NPA./Mary Anne Sapico